Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Corrupt contractors and possible officials convert their asset to Bitcoins?
by
rbynxx
on 04/09/2025, 13:19:34 UTC
Possibly talaga na iconvert nila yan ng cryptocurrency pero sa tingin ko hindi Bitcoin ang asset na binili dahil alam naman natin na pseudonymous ang Bitcoin at hindi ito anonymous coin, meaning pwede parin matrace yung lakad nung coin at yung asset, possible siguro na Monero (XMR) yung binili nila since mag itatago na nila yung ninakaw nila, gagamit sila ng coin na mahirap or hindi talaga matatrace. Nakakalungkot lang na marami nanaman siguro saatin na sasama yung tingin sa cryptocurrency dahil kadalasan nalilink to sa hindi magandang gawain at hindi nila alam yung potential talaga nung crypto at kung paano ba talaga ito nag wowork.
This one. Ito ata magiging katawa tawang move na gagawin nila if ever man na they're diverting mga nakaw nila. Mas traceable ito kumpara sa mga buwis na ninakaw nila sa taumbayann. Possible nga na magkaroon na naman ng maling interpretasyon ito lalo na hindi naman talaga alam ng karamihan na yung crypto was just a tool or a medium. Sana nga hindi o baka mga theories lang ito ng iba at pinapalaki lang o kung may pruweba man baka maging usapin rin yan sa Senado sa mga susunod na hearings.