Laki na ng nawala..
Economic losses from anomalous flood control projects likely hit up to P119 billion, Recto saysNakapanood din ako ng balita kanina, may nag-rally sa harap ng malaking bahay nila tapos binato pa sila ng putik. Balak daw magsampa ng kaso, haha kapal talaga ng mukha ng mga Discaya, sila pa yung pinakamalaking nakinabang diyan. Pero sa totoo lang, mas gusto ko talagang makulong yung mga government officials mismo, lalo na yung nasa Congress at DPWH kasi sila naman talaga ang pasimuno ng lahat ng kalokohan na ‘yan.
Kaya nga anlaki talaga ng nawawalang pundo each year simula ng pag upo palang nyan ni Marcos. Yung mga corrupt congressman ay walang habas na nangungurakot dahil alam nila na sobrang hina ng Presidente natin ngayon.
Deserve ng mga Discaya ang nangyayari sa kanila at for sure na hindi na matatahimik ang mga buhay ng mga yan habang mainit pa ang issue. Pero I doubt magkakaso ang mga yan dahil di nila alam kung sino sino ang mga taong kakasuhan nila at tingin ko panakot lang nila yon.
Pumapangit ang imahe ng Bitcoin sa bansa natin dahil sa kagaguhan ng mga taong yan.
Tingin nyo tong ganitong gawain kung totoo man to ay magbibigay negative effect kay Bitcoin?
Hindi naman siguro, since everybody knows the decentralize ang bitcoin open for anyone unfortunately kasama dun ang mga katulad nilang greedy if ever man na totoo ito. Siguro nga scapegoat nila ang crypto pero san ba mangagaling ang pera pambili nila? For sure madali pa din matrace ito kung san nila dadalhin lalo pat pumasok sa blockchain na ang pera nila. It could be a trap more than an escape goat.
Pero di din talaga maliit ang chance since Bitcoin is well known sa bansa natin. Baka mapag interesan pa kung ganun nga ang mangyayari. Pero so far naman wala naman lumilitaw na ganitong activities na kung saan involve si Bitcoin so I think goods parin ang sitwasyon at malayo na ma include Bitcoin sa issue ng mga mokong na to.
Pinag-uusapan namin ito ng wife ko a few days ago kung papaano maiitago ng mga Discaya yung kanilang mga nakaw na pera. Given na medyo lumalaganap na ang cryptocurrencies dito sa bansa, may posibilidad na baka they converted most of their cash to BTC or other cryptocurrencies na agad.
Pero gaya din ng mga sinasabi ng iba, ma-ttrace ito especially if substantial amount of money ang kanilang na-convert agad. Also if na freeze ang kanilang assets, I do think (correct me if I am wrong) na kasama dito ang kanilang mga wallets if proven na sa kanila nga iyon.
I do hope na there will be a way (assuming they converted their assets to BTC/cryptocurrencies) to track these kinds of transactions para mapanagutan nila ang kanilang mga nagawa sa atin.
Andun talaga ang possibilities since baka later on monitored na ng amlac ang galaw ng pera nila. Sa ngayon BOC pa ang gumagalaw para ma retrieve yung mga luxury cars nila. Bitcoin talaga ang pwede nilang gamitin para itakas ang pera nila lalo na andali bumili nito ng palihim at maitago ang kanilang pera dun.