Laki na ng nawala..
Economic losses from anomalous flood control projects likely hit up to P119 billion, Recto saysNakapanood din ako ng balita kanina, may nag-rally sa harap ng malaking bahay nila tapos binato pa sila ng putik. Balak daw magsampa ng kaso, haha kapal talaga ng mukha ng mga Discaya, sila pa yung pinakamalaking nakinabang diyan. Pero sa totoo lang, mas gusto ko talagang makulong yung mga government officials mismo, lalo na yung nasa Congress at DPWH kasi sila naman talaga ang pasimuno ng lahat ng kalokohan na ‘yan.
Pero before sinabi ni Recto nung panahon ng GAA last year ba yun na sinabi nya at nung presdiente natin na umaangat ang economy natin, pero alam ko naman na hindi talaga totoo yun.
Tapos ngayon puro sila sarswela at palabas dahil meron silang niluluto na naman tungkol dun kay Demonyuing remulla at ginagamit nila ang flood control as diversification tactics pero hindi na tang* ang mga pinoy talaga ngayon. Hanggang ngayon naman sa bawat pagnanakaw nila dinadaan na nila sa mga digital assets tulad ng cryptocurrency at baka gumagamit pa ng mixers ang mga magnanakaw na yan.
Kaya hindi parin malayo na madami ng gumagawa ng ganyan na mga pulitiko na meron tayo dito sa ating bansa, dahil anonymous kasi sila dyan, at dahil madami silang mga nananakaw na pera hindi rin malayo iba-ibang mga cryptocurrency ang ginagamit nila para sureball na hindi sila matetrace talaga.