Nakita ko lang to na pinost ng page nato. Kung saaan sinabing ang mga Discaya daw which is DPWH contractor na kasali sa top 15 na listahan ng pangulo ay nag convert na daw ng mga asset nila into Bitcoin.
---
Kung totoo ito isa naman to sa mga bagay na magbibigay ng negatibong naratibo kay Bitcoin sa bansa natin. Boploks pa naman mga congressman at ilan pang officials na nakaupo ngayon at baka sabihin nila na ang Bitcoin ay isang currency or tool for money laundering or other illegal schemes.
Pumapangit ang imahe ng Bitcoin sa bansa natin dahil sa kagaguhan ng mga taong yan.
Tingin nyo tong ganitong gawain kung totoo man to ay magbibigay negative effect kay Bitcoin?
Nakakapanlumo lang tignan ang nangyayari sa bansa natin at ang mga taong ito ay nasisikmura nila ang ginagawa nila sa taong bayan. Habang ang karamihan sa mga kababayan natin ay kumakayod araw-araw para lang may maibigay sa kanilang mga pamilya, heto sila sarap buhay at ginagamit ang kaban ng bayan para sa kanilang pansariling interest.
Ngayon patungkol sa topic, kahit hindi ang mga Discaya ay at some point naniniwala ako na may mga ibang events na mangyayari na maaaring makaapekto sa pagtingin ng mga kababayan natin sa Bitcoin or sa cryptocurrency na lang. Papangit man ang imahe ng Bitcoin sa bansa natin dahil dito (kung mapatunayan na totoo), makakalimutan rin yan ng mga tao at pagkalipas ng ilang buwan o taon, balik na naman sa normal. May negative effect to siguro pero sa mga baguhan lang pero sa ating matagal na sa crypto space ay hindi.