With all the talks about government using blockchain technology, it looks like a Mayor from Baguio plans to explore blockchain technology. According sa article, plano ni Mayor Benjamin Magalong na gamitin ang blockchain para e secure ang "
government documents, including financial records, infrastructure reports, and other technical data.". Basically, kaya gusto nya gawin to is to make his Governance in Baguio more transparent to the public.
source:
https://bitpinas.com/regulation/baguio-blockchain/As somebody that has a very good reputation like him, this will be a good move by him.
Hindi naman lingid sa kaalaman natin na handang tumulong si Mayor Magalong pagdating sa pagsugpo laban sa korupsyon. Ang pinakasikat na interview niya na alam ko ay patungkol dun sa "Cat's eye" na nasa kalsada at panigurado alam nyo na yun na kung saan sinabi niya na ang bayad ng bawat isa ng mga yun kasama na ang paginstall ay nagkakahalaga lang ng 1,000 pero ang nakalagay ay nasa around 21,000.
Ngayon patungkol sa sinabi niya na pagimplement ng blockchain technology, malaking tulong ito, at pakiramdam ko ay kung wala namang tinatago ang mga iba't ibang opisyal natin patungkol sa mga government documents or kung ano pang report yan ay hindi sila magdadalawang-isip na ilagay ito sa blockchain hindi ba? Maganda ito, at sana ma-implement nga.
Correct lang kita dude 1800 per cats eye ang original price nya not 1k pesos. Gaya nga ng sinabi mo si Mayor Magalong ay isang maprinsipyong tao talaga na ayaw sa corruptions, at talagang sinisiwalat nya kung pano nagkakaroon ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, pati nga yung barries sa kalsada na ginagamit lang dapat sa pakurba ay nilagyan din kahit sa paderechong daanan na ang presyo kada barries ay nasa 10k-12k php lang originally pero ang patong na ginagawa ng mga tiwaling opisyales ay nagiging 110k pesos na each barries.
At nung hinamon pa nga siya ni Abante na hindi congressman talaga dahil nakaupo lang naman dahil sa comelec sapagkat talo naman talaga yan sa pagkandidato nya dinisqualify lang ng comelec kaya nahalal lang siya dahil sa comelec only in the philippines lang talaga, ngayon tungkol naman dyan masasabi ko na maganda talaga yan na iapply nya yan sa lungsod na kanyang nasasakupan, kaya maswerte ang mga taga baguio na nasasakupan nya.