Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pekeng TradingView ads na ginamit para ikalat ang Brokewell Android malware
by
LogitechMouse
on 07/09/2025, 04:07:13 UTC
---
Ayon sa kanilang pagsusuri, nakagawa ang malware campaign ng 75 malisyosong ads. At ang ginamit nilang ads ay TradingView. Alam naman nating karamihan sa mga crypto enthusiast ang gumagamit nito bilang financial platform para sa technical analysis. Nililinlang nila tayo na i-download ang premium version ng app na ito. At para sa mga naloko, ire-redirect sila sa isang pekeng site.
---
Kapag ito ay na-install na, magsisimula itong humingi ng malalakas na permiso, gaya ng accessibility access na itinatago sa pamamagitan ng pekeng updates. Kaya pa nilang lokohin ang mga user na ibigay ang kanilang lock-in pincode. Ganito kalakas ang malware na ito.

---
So konting ingat ingat tayo sa mga nakikita natin na apps as Android lalo na patungkol sa crypto at baka ito ang pekeng apps na naglalaman ng mga malware at pag na install na natin eh nanakawin ang ating pinaghirapang crypto.
Palagi ko itong nakikita sa Facebook wall ko. Mga TradingView app ads, na nag-ooffer ng minsan napakalaking discount para makapang attract ng maraming mga baguhan sa trading.

"If it's too good to be true, it's not true." Palagi ko itong sinasabi sa sarili ko ito bago ako magdecide kung mag-iinvest ba ako or hindi sa isang bagay. Araw-araw ko itong nakikita at alam ko sa sarili ko na hindi ito totoo KAILANMAN. Gayunpaman, naaawa ako sa mga taong nahulog sa ganitong mga scams at patungkol naman kay Facebook, sana mas ayusin pa nila ang kanilang rules pagdating sa paggamit ng Paid Advertisements at dumating sa point na tignan nila ang mga ads na naglalaman ng mga scam or phishing websites.

Tulad nga ng palaging sinasabi ni Kuya Kim noon, "Maging Mapagmatyag." Palaging tignan ang mga websites na binibisita, at wag palaging maniwala sa mga malalaking discounts gaya ng sinasabi sa ads na yan.