Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Blockchain Bill
by
BALIK
on 07/09/2025, 11:19:06 UTC
Gulat din ako dito kaya sobrang solid talaga if maisakatuparan. Madami nagsasabi na sobrang laking budget ang gagamitin, totoo naman kung safe at secured yung magagawa at LONG-TERM magagamit ay wala naman siguro problema. Ang advantage din nito is magiging transparent lahat, wala na magtatangkang mangurakot at yung pondo natin is mapupunta talaga sa kung ano ang kinakailangan ng Pilipinas. Imagine yung issue ngayon sobrang nag-trending about sa flood control dahil nga sa mga contractor na sobrang grabe mag-kickback tapos low quality ang mga ginagawa.

Dami rin nagsasabi about sa fees, wala namang problema halos lahat yan kasi ang big deal talaga dito is long term effect which is anti-corrupt at sana maisunod na rin yung anti-dynasty. Nakakaexcite masaksihan ang Pilipinas na sobrang ganda at walang corruption, lahat patas na bawat Pilipino ay kayang makasurvive sa pang-araw araw na gastusin kasi balanse na ang lahat.

Malaking paandar ,  opisyal nang naisumite ni Sen. Bam Aquino ang SBN 1330 para ilagay ang pambansang badyet sa blockchain para masubaybayan ng mga mamamayan ang bawat piso sa pamamagitan ng pampublikong portal, at nagpahayag na ng suporta ang DICT.

Pero tandaan, ang blockchain ay nagbibigay lang ng hindi pwedeng galawin na daan kung tapat ang mga datos na nilalagay dito ,, may mga isyu parin sa pagkapribado, gastos, pamamahala, at basurang pinasok na impormasyon, kaya hindi ito mahika na solusyon. Kailangan parin ng repormang legal, kontrol sa labas ng chain, at pagkapribado mula sa simula para talagang mabawasan ang korapsyon.