Meron kaming cash-in at cash-out services dito sa probinsya through Gcash. Naisip ko lang, pwede rin kaya gawin 'to sa crypto? Yung tipong Bitcoin straight to tangible cash, and vice versa, at hindi na dadaan pa sa bangko or exchange. May existing na ba na ganitong service?
Maganda yang naisip mo at sana ituloy mo yan, wala pa ako nakita na ganyan na tindahan o individual ang mag oofer ng P2P Bitcoin to fiat directly, ang dami kasing kailangan documento at mataas ang fees sa mga online exchange.
I check mo ang baranggay nyo o lugar nyo para sa kaukulang lisensya lalo nat kung malakihan na ang magiging transaction.
Pag 5 digit na need mo ng lisensya baka ma penalty ka, pero kung pa daan daan siguro hindi na kailangan ng special permit.