Nabasa ko yung mga comments niyo at since lahat naman ay positibo ang reply, nag decide ako na subukan (wala naman mawawala haha). Hindi ako aware kung meron bang may alam sa crypto dito sa amin dahil medyo malayo kami sa siyudad. Nag print lang muna ako ng maliit na sign tapos kinabit ko sa gcash tarp. Maganda na rin siguro para kung meron mang ma-curious eh ma-introduce ko din sila sa crypto.
