Wala na yatang pag-asa ang bansa natin. Sa takbo ng hearing, lumalabas na hindi lang pala mga kongresista ang sangkot kundi pati na rin ilang senador. Kung mismo mga lider natin hindi matino, tiyak na tatakpan lang nila ang mga isyung ito at ang madidiin lang ay ‘yung mga nasa baba tulad ng mga engineer at contractor. Sa laki ng perang nawala, makikita talaga natin kung gaano karampant ang korapsyon.
Ako umaasa pa rin ako basta magkaroon lang ng tapang ang magiging presidente natin pero sa ngayon, wala talaga. Need pa natin maghintay ng panibagong pangulo na may b*yag talaga na protektahan ang taumbayan. Hindi yung poprotektahan pa yung mga kurakot dahil baka kasi part sila ng kurapsyon. Kaya strong leader na may paninindigan at walang padrino system, yung walang patawad sa mga kurakot, mapakamag anak man o kaibigan na walang sinasanto. Ito ang tanging leader na kailangan natin at may pananagutan at mapapanagot sa mga kurapsyon na nangyayari sa bansa natin. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, nagigising naman na din ang taumbayan sa mga current issues na kinakaharap ng bayan natin. Mas madami na ang interesado.