Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Saan tayo papunta..
by
Peanutswar
on 09/09/2025, 14:16:01 UTC
Wala na yatang pag-asa ang bansa natin. Sa takbo ng hearing, lumalabas na hindi lang pala mga kongresista ang sangkot kundi pati na rin ilang senador. Kung mismo mga lider natin hindi matino, tiyak na tatakpan lang nila ang mga isyung ito at ang madidiin lang ay ‘yung mga nasa baba tulad ng mga engineer at contractor. Sa laki ng perang nawala, makikita talaga natin kung gaano karampant ang korapsyon.

Kung nanonood din kayo ng senate hearing kanina at nung nakaraang araw is meron namang details ang senado kaso di sila marunong mang huli ng mga akusado ginagawa is nag tatanong lang sila ng simple tapos sasabihin lang nila na hindi nila alam or else papasa nila sa ibang tao ito para sya naman yung tatanungin tapos asa harap na nila ung pruweba tapos wala man lang magawa or nangyayare sa hearing na iyon imagine harap harapan at garapalan na yung ginagawa sating mga pinoy para sa ikauunlad ng bansa tas pang lalaro lang nila sa casino.