Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Blockchain Bill
by
finaleshot2016
on 09/09/2025, 19:06:09 UTC
Pero tingin ko kahit anong ganda ng project hindi papayagan ng mga politicians na corrupt yan mangyare kung magkataon, or gagawin pa din nila yung kickback nila kahit "transparent" na yung system, since karamihan ng tao sa pinas walang idea kung paano gumagana ang blockchain in general.
Pero ngayon talaga yung right timing para i-push yan kasi hindi pwedeng humindi yang mga yan dahil nagkakahulihan na din ngayon, lahat gusto magpabango ng pangalan. Ngayong magulo ang eksena ngayon at madaming nabubunyag na corruption, malamang sa malamang sobrang ganda ng entry nung bill na yan. Kasi kung sa oras na payapa ang lahat at kontrolado ng mga corrupt ang buong sistema, talagang hindi nila papayagan yan kasi nasa posisyon pa sila pero ngayong nayayanig unti unti at nabubunyag ang mga masasamang loob, dapat at nararapat lang talagang pumabor sila para bumango bango ang pangalan nila.

Kaya sana mapush din talaga kasi big deal ito para sa ating lahat.