Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Saan tayo papunta..
by
Russlenat
on 10/09/2025, 13:36:52 UTC
Wala na yatang pag-asa ang bansa natin. Sa takbo ng hearing, lumalabas na hindi lang pala mga kongresista ang sangkot kundi pati na rin ilang senador. Kung mismo mga lider natin hindi matino, tiyak na tatakpan lang nila ang mga isyung ito at ang madidiin lang ay ‘yung mga nasa baba tulad ng mga engineer at contractor. Sa laki ng perang nawala, makikita talaga natin kung gaano karampant ang korapsyon.

Pati kamag-anak pa ng presidente na si House Speaker Romualdez kasama rin sa mga nadadawit.
Pero halos lahat ng mga binanggit na pangalan, karamihan ay puro deny lang.
Nakakaawa tayong mga ordinaryong mamamayan na lumalaban ng patas, nagbabayad ng buwis, nag oovertime para lang may maiuwi sa pamilya tapos malalaman mo na yung buwis natin napupunta lang sa ganitong klaseng tao.

Hindi pa naman tapos ang imbestigasyon. Sana may mga makulong na senador at kongresista/pulitiko, at kung maaari pa, mabawi rin yung mga perang nawala or ninakaw ng mga buwaya na mga to.

Sa ngayon parang malabo na talaga, kasi nasa panig na nila ang presidente. Sa Senado si Tito Sotto na ang hawak, tapos balita pa na hindi tinanggap si Discaya bilang state witness dahil ayaw pumirma ni Sotto. Kaya ayun, mukhang wala na talagang pag-asa na makulong yung mga totoong malalaking nakinabang. Kung hindi natin gagayahin ginawa ng Nepal, mahihirapan talaga tayo dito.

https://newsinfo.inquirer.net/2107029/discayas-dont-qualify-for-state-witness-ridon
https://www.philstar.com/headlines/2025/09/10/2471884/sotto-denies-witness-protection-request-discaya-couple