Search content
Sort by

Showing 3 of 3 results by 4zura
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: May Mga Influencer Ba Tayo Na Tutok Sa Cryptocurrency?
by
4zura
on 28/06/2023, 18:16:08 UTC
May mga iilang influencers akong kilala na tumututok sa crypto pero hindi sila masyadong ganun kasikat kagaya na lamang sa mga influencers sa labas ng bansa. Hindi kasi masyadong entertaining lalo na sa mga kabataan ang ganitong klasing content kahit pa sabihin nating pwede silang magkapera. Ganito ang kadalasang nangyayari kahit pa mga foreign na influencers dahil kapag ekonomiya na ang pag-uusapan hindi talaga ito patok lalo na karamihan din sa tumatangkilik ng social media ay mga kabataan at iilang porsento lamang ang mga matatanda.
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
by
4zura
on 28/06/2023, 16:32:43 UTC
Alam kong iilan sa mga binanggit crypto friendly pero hindi ko pa nasubukan ang kanilang serbisyo dahil nga baguhan pa lamang ako. Iniisip ko nga kung talaga bang huli na ako dito sa crypto dahil karamihan sa inyo dito ay talagang matagal na sa larangang ito, di tulad sakin na kakasimula pa lamang at marami pang dapag matutunan. Alam ko na hindi ko pa masyadong kilala ang crypto dahil nasanay ako sa tradisyonal na finance pero willing akong matuto lalo pa't ngayon na medyo dumarami na ang mga aktibong sumusuporta ng crypto dito sa Pilipinas at isang halimbawa na nito ay ang mga naibanggit.
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Online Casino promoter hahabulin na ng CICC
by
4zura
on 06/06/2023, 17:22:15 UTC
Bago ko lang natuklasan ang site na ito pero masasabi ko in terms of sugal ay marami talagang mga pinoy ang nahuhumaling sa ganitong palaro, lalo na kung makikita natin na napakarami na ngayong mga pinoy ang sumasandal sa serbisyo ng gcash na siya ring isa sa mga nag advertise ng mga pasugalan. Nung dati ang alam ko lang na sugal ay yung talpakan o online sabong pero nung kalaunan napakarami palang sugal na pupuwede mong laruin online.