Maraming nagtatanong kung bakit bigla nalang nababawasan ang post at activity, aminin na naten hindi rin ganun kadali na mag reply sa bawat topic ng bawat member dito. Sana merong ICON na magsasabi kung close na yung topic para hindi na mareplyan pa lalong lalo na ang mga newbie. May pagkakataon kasi na nagreply ka sa topic tapos pag login mo nabawasan ka ng post at activity. Lahat naman tayo gustong tumaas ang rank at makasali sa mga campaign, at hindi rin ganun kadali maghintay ng gap bago ka ulit makapag post ulit tapos mababawasan ka lang ng task mo sayang po kasi. Maraming salamat sa sasagot.