May mga ilan na sa atin ang nakabalita patungkol sa mga di magagandang katangian ng mga pinoy sa forum. Hindi ko magawang ipagtanggol (
who am I to defend us all?) tayong lahat dahil totoo at may mga ebidensya sila. Nariyan yung
shitposter,
bounty abuser, at
merit abuser na nasobrahan ng init sa katawan.
Kahit bounty hunter ka na english carabao (
meron po talaga na english carabao na nilampasan na ako sa rank pero madami ang nai-ambag), may paraan pa para masabi naman natin na may ambag din tayo dito sa forum.
Paano?Nabalitaan nyo na ba yung tungkol sa
report badges? May napupusuang report badge image si theymos at isa sa mga iyon ay gawa ng pinoy!
Pakiusap, wag na po nating i-flood ang topic na iyon.
Paano ba ang pagreport?Mayroon ng
guide para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang
Filipino translation para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko.

Quick tip nalang sa pagreport mga kabayan kung paano ang magreport:Paalala ko lang na maraming pwedeng i-report, at ang susunod ay isa lamang halimbawa.Kapag may nakita kayong walang kwentang post, tulad ng "to the moon", "nice project", "your project looks cool, I will invest" or gaya nito:
I-click nyo lang ang "Report to moderator" at ilagay kung ano ang nilabag ng poster na iyon. Sa poster na ito, ilagay nyo sa "Enter comment" box ay -
"Spam/Low value post. Does not add anything to the discussion." o di kaya ay
"Unsubstantial post". Madalas ko gamitin ang huling salita, pero tignan nyo na lang kung nadelete na ng moderator iyon bukas o mamaya.
Kapag naka- 100+ reports na pala kayo ay makikita nyo na yung
"good, bad, unhandled" na reports ninyo. At kapag nasa 300+ na reports ninyo, may access na kayo sa report history ninyo.
Eto nga pala report history ko kung may curious sa inyo:
Meron akong 3 bad reports at naalala ko pa yun, kaso wala sya sa listahan - lumitaw na sa listahan ko at nadagdagan na bad reports ko.
Sa mga nagbabalak na maging spam buster ng pinas, wag nyo na po asahan na tataas ang rank natin, bibigyan lang tayo ng badges. Pero kung masasabi nila na mga basura tayo sa forum, atleast mayroon tayong report badges, at maari na nating sabihin na -" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."
Sa ngayon kasi hindi mo talaga maiiwasan yung shitposter ang hirap lang kasi laging Pilipino napapag initan dito kahit gaano pa kaquality yung mga post sabagay hindi naman sila masisisi kasi madami sa mga Pilipino ay account farming kung baga sumasali sa isang campaign ng madaming account tapos mga post pa spam post sunod sunod yung wala pang ilang minuto may another post na ulit reporting siguro talaga makakatulong pero sana wag maghilahan pababa dapat ay maghilahan tayo pataas kawawa kasi ang maiipit kagaya ko naabutan ako ng merit at kahit isa hindi man lang makatanggap pero tanggap ko na yun na kahit gaano pa kaquality post mo at wala kang kakilala dito wala ding mangyayari.