Well, kahapon ko lang din naintindihan ang tungkol sa merit, last week napansin ko sa aking profile na may nakalagay na merit. Nalaman ko na ito ay binabase kung high quality ba ang mga post mo o hindi. Para sa akin, okay din naman ang merits. Minsan kasi kahit low quality ang post basta makasagot ka lang pupwede ka nang mag rank up na unfair naman sa mga napupursige na makagawa ng constructive answers so isa itong pro para sa mga members na talaga namang pursigido sa pag gawa ng high quality posts,meanwhile meron din itong con's katulad na lang nga ng kahit constructive at high quality ang post po, hindi napapansin o na appreciate ng iba at yung iba ay dahil sa diskriminasiyon kaya ayaw magbigay ng merits.