Naku! Pag short term goal talaga ang habol ng isang tao sa bitcoin, lugi talaga. Kasi wala talagang kasigurohan na dodobule ang presyo ng bitcoin on or after sa halving. Tulad ngayon, grabeh ang pagbagsak e malapit naman sana ang halving, expectedly July 10, 2016. Pero ang presyo bumalik tayo kung saan tayo 2 weeks ago.
Ang reason kasi ng halving sa pagkaka intindi ko ay parang kinocopya ng bitcoin ang concepto ng Gold kung saan limited ang supply at the more the mag mi mine ka mas kukunti ang Gold. Tulad na din ng network difficulty sa mining sa bitcoin, kung saan the more the marami ang mag mimina ng BTC the more maging mahirap ang algorithm. Same in real time, the more ang tao na nagmimina sa isang lugar, kukunti ang lupa na pagmiminahan. So para ma replica itong real life concept na to virtually, nagpag isipan ni Satoshi na mag halving para over time mag aapreciate ang value ng BTC.