Paano nga ba tayo makakakuha ng merit mula sa ibang member ng forum na ito? Nais ko lang ibahagi ang mga paraan upang tayo ay mag-improve sa mga ginagawa nating mga posts, at makapagbahagi ng kaalaman sa iba pang mga miyembro.
*Kailangan nating iimprove ang ating kaalaman sa English, hasain upang makapagbigay ng mas makahulugang opinion at punto. As all of us know, English ang ginagamit sa 90% ng forum na ito.
*Mag research upang madagdagan ang kaalaman sa tungkol sa crypto, mga news updates na maari mong ibahagi sa iba pang miyembro, manood sa youtube o hanapin sa google ang mga information na necessary na maari mong magamit.
*Tandaan hindi kailangang mahaba ang iyong ipost para lang masabing quality post ito, Kailangan ay may pinupunto at may sense. di mo rin kailangang gumamit ng malalalim na salita, believe me mas simple mas maganda.
*Gumawa ng Quality posts ayon sa iyong kaalaman at makakatulong sa forum.
Be patient, hindi ka man makakuha ng merits, it will still be worth it because what you've earned is knowledge that no one can ever take away from you.