Hmm, hindi ko pa nasubukan yan pero matagal na yang tech na yan, medyo hindi lang sikat. Hindi ko alam kung ano ba ang rason kung bakit hindi pa siya widespread pero palagay ko may problema pa sa energy consumption. Yang design na may kasamang fish pond alam ko may problem din yan dun sa mga nalilikhang waste kasi hindi naman lahat eh maganda para sa halaman.
Pero promising yan, kapag naayos na nila yan at nakahanap na sila ng energy efficient lighting na kagaya ng sunlight, pwede nang gumawa ng mga food towers. At least hindi mababagyo o mababaha yun sa loob, controlled ang temperature kaya di maluluntoy at mas maraming matatanim sa maliit na floor space. Kung green energy din yung gamit para i-run yung facility, then mabuti.
Subukan mo master! maganda ang aquaponics. marami naring nag aquaponics dito sa pinas. nag jojoin ako sa mga groups sa facebook at doon ko nakita ang mga gawa nila. na try ko na din ito. kahit maliit lang space ng house mo e mka aquaponics kana.
https://www.facebook.com/groups/aquaponicsenthusiasts/ ito ang group na sinalihan ko. marami silang idea.
Wow, nasubukan mo na? Kamusta naman? Balita ko kasi dati nagiging unhealthy eventually yung tubig para dun sa mga isda. Sayang naman kung mamatay sila.
Outdoors ba yung sayo? Gaano kalaking space ang nagamit nyan? Wala kasi akong mapaglalagyan nyan sa amin, ang liit lang ng bahay at walang bakuran. Sana kung balang araw makalipat, baka subukan ko.
Magkano naman nagastos mo? Susubukan ko siya siguro just for the coolness factor pero kung kukumbinsihin ko pamilya ko na maglagay nyan kailangan mabawi nyan yung gastos.

Mura lang magagastos mo dito. Actually, ang gagastusan mo lang eh yung lalagyan (pwede naman magrecycle) tapos yung filtration system. Yun nga sa sinabi mo, "nagiging unhealthy yung tubig para sa isda" kaya kailangan gumastos para sa maayos na filtration system para dire-diretso ang pagpapatubo at pagpapalaki sa mga isda.