Undergrad ako ng BS Nursing, mag 4th ako nung nahinto since di na kayang tustusan ng pamilya ko ang pag aaral. Simula nun nagsikap akong maghanap ng trabaho. Buti nalang nun at nagsulputan ang mga call centers at kahit papano nakakuha ako ng magandang trabaho. Sa ngayon, ang trabahong ito ang bumubuhay sa pamilya ko. Gustuhin ko mang tapusin ang pag aaral ko, hindi ko pa magawa ngayon dahil pinauna ko muna mga kapatid ko. Pero sana pag dating ng araw makamit ko din ang diploma ko.
sayang naman at hindi ka nakapagtapos ng pagaaral mo, dapat mas pinilit mo na makatapos kaysa magtrabaho ng mabigat. mas malaki kasi ang opportunity sayo kung natapos mo ang pagaaral mo, marami namang way dyan para matustusan mo ang pagaaral mo, kasi yung asawa ko ngayon nakatapos lamang sya sa kolehiyo sa pagiging service crew sa isang fast food chain