May KYC/AML policy ba yung Coinbase? Nakagawa ako ng wallet dun na parang wala namang mga hiningi sa akin. Same with Poloniex.
Mayroon po sir, nasa private policy po nila. Yung identity verification na hinihingi po ng Coinbase, halimbawa, ay bahagi po yun ng kanilang KYC/AML policy. Pwede mo pong mabasa yun dito. Pagdating naman po sa Poloniex, mayroon din po silang KYC/AML policy na pinatutupad. Nakasaad po siya sa number 11 sa kanilang Term of Use (ToU). Ito po. Mayroon po sila niyan kasi centralized po ang Poloniex, tulad din ng Coinbase at Kraken.Yup, binasa ko nga pero ano naman yung way para mapatunayan nila na kilala nila yung tao na gumawa ng account? Naalala ko yung sa coins.ph, hiningan pa ako ng ID at photo at ilang days din bago na-validate. Or you think sa US customers lang mahigpit yang tulad ng Coinbase? After all, pagkakaalala ko hindi pa available bumil ng btc sa kanila using peso.