Post
Topic
Board Pilipinas
Re: BTC-e already closed?
by
merchantofzeny
on 31/07/2017, 16:54:27 UTC
Yup, binasa ko nga pero ano naman yung way para mapatunayan nila na kilala nila yung tao na gumawa ng account? Naalala ko yung sa coins.ph, hiningan pa ako ng ID at photo at ilang days din bago na-validate. Or you think sa US customers lang mahigpit yang tulad ng Coinbase? After all, pagkakaalala ko hindi pa available bumil ng btc sa kanila using peso.

Katulad din po sila ng Coins.ph na humihingi ng ID + Photo Verification. Ang kaibahan lang, ito pong sa Coinbase applicable lang po yan ganyang verification sa mga nagte-trade sa kanila, halimbawa, sa mga bumibili o nagbebenta ng BTC o iba pang supported coins sa kanilang exchange. Pero kung magsesend ka lang ng coins sa ibang wallet, kahit hindi verified ang account mo sa kanila ay hindi na po kailangan ng validation o hindi na kinakailangan na mag-submit ka pa po nung mga nabanggit.

Ngayon pagdating naman po sa kasunod mong tanong, kung mahigpit lang ba ang Coinbase sa mga US customers? Hindi po. Actually, mahigpit din po sila sa lahat ng gumagamit ng kanilang exchange sa pag-trade ng coins, yan ay kahit saan lupalop ka man po nakatira. Nire-require pa rin po nila na magsubmit ng ID + Photo Verification ang sino man na bibili o magbebenta sa kanilang exchange bilang compliance sa AML/KYC requirements.

Kung Pinoy ka, halimbawa, at gusto mo pong bumili ng BTC sa Coinbase, kailangan mo pong i-verify muna ang account mo bago mo po magawang makabili ng BTC sa kanila.



Ah, ganun pala. Yung sa coins.ph kasi wala talagang magawa hanggang hindi siya verified. Yung Poliniex though, parang hindi pa ako nahingan ng identification. Though nakikita ko na may daily limit sila. Siguro if ever lalagpas ako dun, saka lang siguro ako hihingan?