Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Guide/Tips sa Lahat ng Newbie Partikular sa Signature Campaign
by
automail
on 22/10/2017, 13:43:05 UTC
Marami akong katanungan sa pagbibitcoin at isa na nito ang signature campaign. Buti na lang nakita ko itong topic nato in which nakikita kong nakakatulong talaga. salamat po sa post na ito. hopefully makakasali na ako sa mga signature campaign at susundin ko talaga yong mga payo nyo. salamat
Walang anuman Smiley Buti at nakatulong at nakasagot ako sa iyong ilang katanungan.

Swabeng swabe ang pagkakapaliwanag mo Sir. Hindi ako aware na dapat pala ang ay BTC ang payment. Hindi yan namention sa signature campaign na sinalihan ko pero ok lang din naman. Allocation at stakes lang ang nabanggit. Baka may idea ka idol kung ano yan?  Recommended nang tropa ko yung campaign kaya ako sumali. Pero good thing na magkaron ng knowledge from others. Totoo rin na kapag puro off topic ang post mahihirapan daw sumali sa signature campaign.
Sobrang agree ako don sa sinabi mo na pag sobrang teknikal dapat pilitin magbasa dahil maraming matutunan pag ganon ang ginawa naming mga newbie. Bibihira ang gumagawa nang ganitong post na very helpful at informative. Pasok sa banga eh.  Salamat sa paglaan ng oras at sana marami pang matuto sa post na ito.

Hindi ako nalinawan sa sinabi mo doon sa nakabold letters.
Ang sinalihan mo ay isang signature campaign na ang sweldo ay Altcoin kung kaya't hindi mo talaga makikita na BTC ang ibabayad sa iyo, sa halip ay ang token nila.
Ang stakes ay maaari nating sabihin din bilang "shares". Ito nalamang ang halimbawa para mas malinaw:

-May isang campaign na ang budget nila ay 100 tokens.
-10 ang kasali.
-Lahat kayo ay may 5 stakes.
-Kaya ang lahat ng stakes kapag pinagsama sama ay 50 stakes (10 ang kasali at may 5 stakes ang bawat isa so 10*5=50 stakes).
-Ngayon pagkatapos ng campaign ay maghahati hati kayo sa budget na token depende sa stakes or shares ninyo.
-(budget token/total stakes)*stakes ng member. Iyan ang formula para makuha kung ilang token ang makukuha ng isang member.
-so kung may 5 stakes ka, (100/50)*5=10 tokens.
-so 10 tokens ang makukuha mo.


Klaro idol. Salamat at naliwanagan na ako sa stakes at allocation. I like the way you explain things po, ang dali po maintindihan ng magbabasa.. Medyo naguluhan din ako kaya pasensya na post ko na nakabold character Grin Anyway,iba-iba ba ang value ng tokens or my fixed price ito? Sorry for the question idol. Medyo maliit lang ang knowledge ko dito sa bitcoin kaya mas gusto ko magtanong talaga ng diretsohan. Di ko din po masyado magets yung mga sinasabi don sa signature campagin thread.  Pero nagbabasa basa padin po ako para mas lumawak pa. Minsan kinukulit ko yung tropang kong nauna dito.