Mga kabayan gamitin natin itong thread related sa mga alt coins ,gaya ng Dogecoin, Litecoin, Dash, Ethereum at iba pa.
Magandang idea para mas malaman pa nating maigi ang mga altcoins kung bakit ba nagkakaroon ng altcoin. Ano ba ang purpose nito sa ekonomiya natin. Marami pa rin sa atin ang hindi naniniwala sa altcoin at takot pa ding maginvest sa mga ganito. May nagtanong sa akin na isang kaibigan kung ano ba ang bitcoin, gusto niya daw maginvest. Natatakot lang daw siyang maglabas ng pera kasi baka scam lang ito. Sobrang dami na rin kasi ang gummagawa ng mga ganito kaya pumapanget image ng crypto.
Kaya nga mas maigi na malaman natin, kaso nga lang sa Pagtaas ni bitcoin ay siya naman pagbaba ng mga altcoins, kong sa tutuusin napakaraming altcoin na malaki ang potensyal na mas tumaas, kaso nga lang sa pagtaas ni bitcoin ay nahihila sila na bumababa. Kong mag invest ka naman sa bitcoin huli na ang lahat dapat nung mababa palang nag invest kana para mas malaki yung kikitain mo
may mga altcoin kasi na mahina ang kapit e di tulad ng mga primary alt like eth minsan tumataas din ang value nya , sa ibang alt nmn marahil mahatak tlga sila pababa lalo kung konti lng din ang investors nya.