Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.

- Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
- Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
- Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
- Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
- Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.
Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.
Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan? Hindi maiiwasan ang pagbaba ng presyo ng bitcoin dahil sa mga negative news tungkol dito, nadagdagan pa ng pagbaban ng mga ICO ads dahil kadalasan ay fraud ang mga ito at maraming tao o investors na ang nabiktima kadahilanan ng pagbaba ng bitcoin prices. Malaki rin ang epekto ng pagkahack ng isa sa pinakamalaking exchanges, ang binance. Naibenta ko ang bitcoin ko noon nag $19k ang bitcoin at bumili ulit kaya naipit ang bitcoin ko sa 11000 range price. Kaya hold muna ako.