Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.

- Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
- Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
- Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
- Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
- Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.
Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.
Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan? Sa aking palagay 6k-7k ang pinaka bottom na mg bitcoin kung bumaba pa difo baka sumadsad lali yung presyo at di ito papayagan ng mga whales at huge investor ksi sila din malulugi. 2nd quarter would be an interesting quarter for bitcoin sana mag karoon na ng recersal sa presyo para lahat masaya.

Ang hirap sabihin yan boss walang makakapag sabi kong gaano ang pinaka bottom ng presyo ng bitcoin, medyo may point ka sa sinabi mo hindi hahayaan ng investor na malugi sila lahat naman may paraan sa kanila kong paano ba nila makukuha yong na invest nila may mga paraan sila diyan di talaga nila pababayaan na bumaba lahat kasi may paraan kong paano nila mababawe yong pag baba ng presyo ngayong 2018.