Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.

- Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
- Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
- Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
- Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
- Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.
Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.
Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan? Sa aking palagay dahil sa mga ngyari na ganyan totoong mas lalong tataas ang bitcoin sa hinaharap, dahil narin sa daming mga negative fud news sa tingin ko rin ay sinadya nilang gawin yun para ang mga negosyanteng tao ay mas lalong bumili ng volume ng bitcoin dahil alam nilang muling sisiklab ang pagtaas ng bitcoin itong taon na ito.