Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.

- Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
- Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
- Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
- Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
- Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.
Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.
Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan? Wala naman ng dapat pang pag usapan pa sa mga nakalipas na presyuhan ng bitcoin kundi magiging basehan na lamang ito sa susunod pang mga buwan at taon. We all know for the fact na tumataas at bumababa ang preyo ng bitcoin at ito ay normal na sa merkado at walang mabuting maidudulot kung tayo ay padadala sa mga negatibong artikulo tungkol sa bitcoin. Karaniwan na ring galaw sa mga datihan na sa merkado ang mag hodl kung mababa ang presyo at mag benta kung ito man ay tataas.