Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Presyo ng Bitcoin sa Unang Quarter ng 2018
by
Labay
on 13/06/2018, 21:58:55 UTC

 
Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.


   


  • Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
  • Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
  • Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
  • Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
  • Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.


Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.

Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan?

 
 


Ito nga ang pinakamalaking binaba pero tignan mo naman kasi yung price noon sa ngayon, bumigla lang kasi yung price nung sinabi nilang mamamatay na si bitcoin pero nagsplit lang pala ito at mas dumagdag pa ang altcoin.  Sa tingin ko tataas pa naman yung bitcoin kasi di naman ganong nababawasan ng demand eh, mas dumadagdag pa nga eh, yun nga lang ay mas marami pa ring tumatangkilik ng mga alt coin kaya di pa rin ganong nasabay si bitcoin.  Ang dami na rin kasing alt coin kaya mahirap na ring pataasin pa ang ibang coin kasi pagnaglipat ka ng coin sa mababang halaga ay parang mawawalan naman ng halaga ang isa pa lalo na kung pababa ng pababa ang bentahan niyo.