Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.

- Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
- Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
- Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
- Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
- Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.
Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.
Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan? Normal sa mundo ng crypto currencies ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga ito. Dahil na rin sa ma damingkadahilan pero naniniwala pa din ako sa kakayahan nito sa hinaharap ng posibleng lomobo ang presyo ng bitcoin at malagpasan pa ang presyong record nito. Kaya sa mga kababayan natin na mahal ang bili ng bitcoin at medyo lugi kunting pasensya antayin ninyo yung tamang panahon bago kayo magbenta wag kayo papaapekto sa mga nababasa ninyo na mga maling impormasyon tungkol sa bitcoin at iba pang mga cryto currencies na legit.
#Support Vanig