2. Mag-invest lamang sa kung anong kayang mawala
Sa pagkakabasa mo ng mga artikulo tungkol sa blockchain o cryptocurrency, malalaman mo na ang crypto ay napaka-volatile ibig sabihin medaling magbago ang presyo; tataas ng ilang araw at bababa naman. Hindi mo alam kung kelan tataas o bababa ang merkado. Kaya huwag mag-invest ng hindi kayang mawalan dahil ang merkado ay puno ng mga hype at mga whale. Napakapeligro mag-invest sa crypto kaya mag-ingat at maging mautak.
Yup sang ayon ako dito lalo na sa mga beginners na nag tatry pa lamang dapat wag muna sila mag iinvest ng malaki sa isang coin lalo na at kung sinabi lang ng kaibigan mo na may potential yung coin dahil wala talagang makakapag sabi kung kailan ang coin tataas.
Dapat talaga wag natin itodo ang mga pera natin sa pag iinvest siguro kung bitcoin ang pag iinvestan ay medyo may guarantee pa ng kita dahil sa bigalang pag taas nito minsan pero kung sa ibang altcoin o kaya tokens na wala naman kasiguraduhan hindi dapat tayo mag invest agad ng malaki lalo na kung tayo ay baguhan pa lang.