Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Sana mabago ng crypto buhay ko XD
by
Adreman23
on 08/08/2018, 00:53:11 UTC
Hello po mga maa'm/sir , new member lang po ako dito sa bitcointalk pero may konting knowledge na po ako sa crypto since nagumpisa ako sa stellar coins few years ago pero nahinto nung nagwork ako sa call center. Pero ngayon balik loob muna ako sa crypto para pagipunan ung pagbangon ko  Grin


- So maiksing kwento lang po ng buhay ko, isa po akong ex-call center agent. Nagkaroon po ako ng problema sa pamilya ko kaya lumayas ako sa amin. Ngayon po ay nagtatrabaho lang ako bilang bantay ng isang computer shop na maliit sahod ₱100 per day, kung ikumpara sa dati kong trabaho. Nung araw kasi na lumayas ako, na-holdap din ako at nakuha halos lahat ng gamit ko, wallet, cellphone at ung pinaka huli kong pera para makapagsarili ako na magagamit ko pang upa ng bahay at pampasok (balak ko bumalik sa call center sana).


Ngayon ang target ko lang ay makaipon ng worth ₱12,500 pesos para maka alis ako dito sa trabaho at itry maghanap ng ibang work.

Ito po ung current statistics ng kinita ko sa airdrops at faucet.



- July     = ₱ 2,500 (CPS Coin)
- August = ₱ 600 (still not the exact amount kasi ung AVINOC coin price is nagfluctuate pa)




Target:

₱ 3,100 out of ₱ 12,000



Yung may mga tips din po sa akin kung saan pa po ako makakakita ng madaming airdrops at free coins, maappreciate ko po siya ng sobra. Pass din po pala ako sa may mga investment since di ko pa po afford mag take ng risk sa ngayon pati na din po sa faucet sensya po since mejo strikto may ari ng shop sa mga website na inaaccess ko. Also any type of work na nagbabayad via crypto ok lang din sakin.

Hopefully sana lang is maipon ko siya as soon as possible, kasi kahit lumayas ako sa pamilya ko at di kami nagkakaayos gusto ko pa din sila padalhan ng pera kahit pampa-aral lang sa kapatid ko.  Cheesy


---- salamat po sa mga nagbasa -------- Iuupdate ko na lang thread ko pag may nadagdag ako may iseshare akong bago --------
    Nabanggit mo na dati kang call center agent. So easy lang sayo ang mag english. Payo ko na lang sayo na simulan mo ng magbasa ng magbasa dito sa forum para mapag aralan mo ang tungkol sa crypto. At gumawa ka ng mga thread na sarili mong idea at sa tingin mo ay makakatulong.

     Hindi sapat na maayos ang english grammar mo dahil sabi mo nga nagwork ka na bilang call center agent dapat ang thread na gagawin mo ay may magandang idea at higit sa lahat ay makakatulong sa iba. Ang purpose nito ay para magkaroon ka ng activities at magkaroon ka ng merits points para tumaas rank mo.

   Sa ngayon pwede ka din naman sumali sa mga social media bounty campaign  para kumita ka na dito. Pag-aralan mo din ang translation, pag gawa ng articles, at paggawa ng mga videos dahil mas lalaki ang kita mo pag alam mo lahat eto. Dito sa forum para kumita ka kailangan mo ng tyaga, sipag, pasensya, at syempre yung talent mo. Kapag wala ka ng mga eto sad to say hindi ka kikita dito pag tatamad tamad ka o sabi nga nila tulog tulog sa pansitan.

    Hindi mo na kailangan epost ang mga holdings mo na coins/token. Dahil isang rule sa crypto na nabasa ko wag mong ipapa alam sa iba kung ilan ang hold mo na token diko alam kung bakit pero siguro para eto sa seguridad mo at sa pamilya mo. Halimbawa ipinaalam mo na may hold ka na 1000 btc sa tingin mo ba ay hindi manganganib ang buhay mo? Ganun ang ibig kong sabihin.

    At isa kong payo sayo since nandito ka na sa forum ay itigil mo na ang faucet sites dahil wala kang mapapala dyan. Diko naman dinadown ang mga faucet sites pero sila lang ang kumikita ng malaki dyan pero yung mga nag po faucet ay barya lang ang bigay.

   Good luck sayo at sana ay madami kang mapag aralan dito sa forum at syempre ay madami ka ding ma e ambag.