Nuong nakaraan araw ay nagtangka din akong mag bukas ng account sa parehong bangko, Security bank at sinabi nilang hindi sila nag-oopen ng account kung ang funds dito ay magmumula sa crypto. Sinabi nilang High Risk daw ang usaping crypto at hindi daw ito pinapayagan ng Bangko Sentral kung walang kaukulang dokumento na nagpapatunay na galing sa legal ang pera, hindi din nila tinatanggap ang blockchain network records online. Kung other sources of income siguro ay pwede pa pero kung galing sa crypto ay mukhang malabo at ang masama pa ay maaaring ma hold ang funds mo at mahihirapan kang mag withdraw kung sakaling malaki na ang iyong naideposito.
So, ang tinatanggap lang pala nila ay iyong mga galing sa sariling bulsa at mga nag-invest sa crypto? Pero kung galing sa Bounties at Airdrop ang kita sa Crypto hindi nila tatanggapin? Hmmm.
Kasali na din duon yung investments, basta galing sa crypto ay mahihirapan ka talagang mag open ng account. Pansin ko lang din, ang LoyalCoin kasi ay nag originate dito sa pinas at nagpa last minute KYC nuong ICO, siguro yun ay requirement ng kanilang bangko. Kina klaro ko lang, hindi ako sigurado, pero sa ganoong kalaking pera, hindi nila isesettle ang kanilang gastusin ng naka imbak lang sa bitcoin para din tuloy tuloy ang operations.
This is how banks kill their competitions. Alam talaga nila na mawawalan na sila ng silbi kapag naging mass adopted ang bitcoin. Money laundering? E usong uso naman talaga yan sa pera. Protektado pa nga sila ng Bank Secrecy Law. Pinagmumuka nilang masama ang bitcoin pero ang totoo nyan sila mismo ang dahilan kaya nagkandaletse letse ang buhay ng tao.
Ganoon talaga, ang crypto kasi ay ginawa para sa mga mamamayan at ang bangko ay naninilbihan para sa kayamanan. Kung ano man ang balakid sa pananaw ng bangko na maaaring kapalit ng kanilang kabuhayan, pipigilan at pipigilan nila ito.