Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: PAANO MALAMAN KONG SCAM O HINDI ANG ISANG PROYEKTO SA MUNDO NG CRYPTO CURRENCY?
by
Palider
on 14/11/2018, 04:47:48 UTC

•   TEAM NG ISANG PROYEKTO

         Dapat  hayag ang pagkakakilanlan ng team ng isang proyekto bilang garantiya na tutuo ang kanilang proyekto na maari silang managot sa anu mang maaring kalabasan ng kanilang proyekto, dahil kong hindi hayag ang pagkakakilanlan ng isang proyekto posibling scam ang proyektong iyon dahil hindi nila nais ipakilala ang kanilang sarili bilang isa sa mga developers ng isang proyekto.
         Isang malaking problema pagdating sa pag aanalisa ng team ng isang proyekto ay maraming gumagamit ng fake na pagkakakilanlan, kayat dapat maging pamilyar  ang mga bounty hunters and ICO investors sa mga legit na team na gumagawa ng isang proyekto upang malaman kong tunay ba o fake ang team ng isang project. Kailangan talaga ng oras upang analisahin ang isang proyekto upang alamin kong scam o hindi.
         Maging maingat sa pagsali sa mga bounty and airdrop na humihingi ng personal information na posibling magamit ng mga scammers upang itago ang kanilang sariling identity.



Ito ang paraan ko rin para malaman kung ang isang ICO Campaign ay hindi scam. Ang kilalanin kung sino ang mga developers at mga admin ng isang campaign. Dito natin malalaman kung totoo ba talagang legit ang isang campaign. Malaki kasi ang advantages natin kung kilala natin ang mga developers dahil mayroon tayong pag asa na mabawi ang ating mga investment at mapanagot ang mga taong ito kung sakaling magtatangka sila na mang scam.