Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isang Dahilan Bakit Bearish ang Market
by
zenrol28
on 24/01/2019, 12:51:30 UTC
~snip
Real world use case. Nagagamit naman talaga ang bitcoin bilang isang digital currency hindi nga lang worldwide, ang kailangan ay mapatunayan muna ang halaga ng bitcoin o kahit anong cryptocurrency kung saan man ito nabibilang. Kung alam na ng mga tao kung saan nila magagamit ang kahit anong cryptocurrency ay doon palang sila bibili, hindi bilang investment kundi bilang utility na maaaring pamalit sa kanilang fiat.
Tama ka dito ka-bitcointalk. Kahit locally lang muna sana. Kung maraming magagawa sa bitcoin kahit sa ating lokal, kahit papaano, kahit dito lang sa pilipinas ay sisigla ang ekonomiya ng bitcoin. Kung wala nga namang gamit ang bitcoin, wala nga rin namang magkakainterest na bumili nito. Mas marami na marahil ang mga nagbebenta kaysa sa bumibili ng bitcoin kaya paunti unting bumababa ang halaga nito. Sa kabilang banda, para sa mga naniniwalang maganda ang hinaharap ng bitcoin, magandang pagkakataon ito upang makabili habang mura pa.