-snip-
Do they really? Tatawagin nilang donation tapos mag ppromise sila ng return of investment sa mga tao? Malaking katarantaduhan.
Yes, they call it donation and there will be no refund since it's "donation". They also call their payout as "blessings". They claim the "blessings" comes from the businesses managed by Kapa and not from the "donation" of new members

Katatapos lang ibalita nito sa TV Patrol. At ngayon ko lang nalaman na may ganitong klaseng scheme pala. Sabi nga sa balita, may mga members daw sana na kukubra ng "blessing" pero nabigo sila dahil sarado ang opisina.
Biggest investment scam sa buong bansa na nakalikom ng nasa 50 billion pesos from 5 million members with a minimum "donation" of Php 10,000 each. Grabe! Well, Pastor ang founder so hindi mo muna maiisip na scam ito dahil ang main purpose daw ay "tumulong sa mahihirap". Sa panahon ngayon, dapat mas doble o triple ingat tayo dahil pati mga religious groups involved na din sa panloloko. Dapat mulat ang ating mga mata at isip na "If it's too good to be true, it probably is."
Tayong mas may alam ay tumulong na kilatisin mabuti kung saan ilalagak ang pera natin at ng kapwa Pinoy natin.