Hindi ko lang din lubos maisip ang hangarin ng iba kung bakit sila hindi sumasangayon sa pagdaragdag ng merit source, dahil ba ito sa personal na bagay?
Hindi naman siguro sa personal na bagay kundi sa kanya-kanyang opinyon. Isa sa main argument kaya hindi pa daw kailangan is kulang sa activity or quality posts/comments.
Sana nga lang ganon. Kung kulang ang mga activity sa ating komunidad, marapat ay alamin muna natin ang dahilan kung bakit. Hindi dapat ang mga mas bago katulad ko ang siyang mag-aadjust kundi ang mga may abilidad sa ganitong aksyon katulad ng mga may matataas na ranggo at may espesyal na position. Ang iyong argumento ay maituturing kong isa sa mga magandang pahayag sapagkat napunan mo ang mga pagkukulang ko na dapat kong malaman. Marapat na sa bawat ganitong pagpapahayag ay marapat na bigyan, hindi pa ba sapat ang ganitong klaseng pagmumungkahi upang mabigyan?
Kung para sa iba ay hindi, marapat na magkaroon rin tayo ng taong na may malawak na pagintindi at pagunawa sa bawat post na nagagawa at umiikot dito sa ating komunidad.
Since bago ako dito, matanong ko lang kung ang 1 merit ay sapat na para isang pahayag na may punto at mas higit sa lahat ang sinabi?....
Sa totoo lang, wala naman talagang standard sa kung anong topic ang nararapat bigyan ng merit. May kanya-kanya batayan ang bawat isa kung ano sa tingin niya ang nararapat mabigyan at kung ilan ang ibibigay.
Ayon sa sistema, lahat ay may kakayahang magbigay ng kahit anong bilang ng merit pero diba mas nanaisin ng iba kung ang matatanggap mong merits ay nakabase sa iyong ginawa. Yan ang pagkakaintindi ko sa kabilang panig. Kung hindi man lang mabigyan ng katarungan ang mga pahayag/thread na pinagtuunan ng pansin ay marapat na magkaroon ng dagdag source upang mapunan ang iba pang pagkukunan. Isa sa mga layunin ay ang makapagbigay ng patas at naaayon sa pagsisikap ng bawat miyembro dito sa ating board, masyado nating pinagtuunan ng pansin na magbigay lang ng magbigay dahil naniniwala ako sa quality over quantity para masabing epektibo ang nasabing posisyon.
Karamihan din ay mga topic na hindi naman related sa crypto pero ay maraming pumapabor na bigyan ng merit source, therefore I conclude bilang isang baguhan ay hindi maayos ang komunidad natin.
Maliban sa bitcoin at altcoin thread, wala pa kasing childboard para sa mga non-crypto post. Hindi pa daw kailangan ayon sa ating local moderator. Pero kung isama mo mga naunang post, mas marami pa din ang mga crypto-related.
Salamat sa iyong pahayag kaibigan. Pero para sa akin ay hindi pwede gawing rason ang kawalan ng child board upang makapag-post ng mga offtopic na pahayag. Ako ay may isang mali rin at yon ang aking naunang post kaya't aking ni-lock ang topic upang hindi na muli pagkaguluhan pa at baka may mabuong issue. Yun ang aking nabasa sa mga rules dito sa ating local at yun ay ginawa ng ating moderator upang sundin.