Bali ang withdrawal fee pala niya kapag sa ibang bank ay 20 pesos? mas malaki pala to sa kaya savings ni BPI na 15 pesos kapag ibang bank at 5 pesos naman kapag mismong BPI ATM ka magwiwithdraw. May idea ba kayo na bakit libre lang siya kapag sa RCBC atm nagwi-withdraw? applicable din siguro ito sa RCBC savings bank dahil iisa lang naman may-ari niyan di ba? parang sa BPI merong BPI Family, Chinabank at Chinabank Savings, etc.
Yes, the default fee is Php20 pesos per transaction sa kahit anong bank.
However, from the whole time na nagwiwithdraw ako sa RCBC ATM machine, talagang walang bawas. Kagabi lang at napost ko sa coins.ph thread na even Php 1,000 wala ring bawas kasi baka sa amount ang basehan ng fees.
Sabi nila nung una, may certain amount daw na libre pero ang laki na rin ng nawithdraw dito and 6-digits na rin kung susumahin. Di ko alam anong reason pero sa mga rural banks nababawasan ako or iyong mga di kilalang banks for me. Na-suggest ko na rin sa iba iyong about sa RCBC pero nababawasan talaga iyong iba. Pati sa BPI, BDO,Metrobank wala rin ako bawas pero last withdraw ko dyan about 2 months ago na so ayoko na ulitin kasi subok na sa RCBC na walang fees.