Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coins.ph Official Thread
by
blockman
on 23/10/2019, 23:54:13 UTC

Sa experience ko naman, nakapag-pareserve na ako dati sa LBC ng Php 100,000. Pero more than that di na ako pinagbigyan kaya balik na lang kinabukasan or another option is sa ibang branch naman magpunta. Sa ML Kwarta naman at sa Cebuana na-accommodate nila iyong big cashouts ko pero tinigil ko iyong sa Cebuana kasi 2% of the total amount ang fees then sa ML  naman need may cut-off time pa dati sa coins.ph. Saka dati sa Cebuana kahit Php 20,000 pinapaalam ko pa kasi natanggihan na ako sa ganyang kaliit na amount kahit matao ang branch at morning ako nagpunta. Di rin natin kasi masabi kung maliban sa akin, baka marami na ring naunang nagsabi kaya nireserve. Palakasan din yata kasi may kakilala ako nag-aabot pa sa staff basta patago lang dun sa guard.
Baka pinagbigyan ka lang ng staff kasi normally dapat lahat ng mga customers ay I-cater nila at I-accommodate kahit na magkano yung cash out sa kanila. At pwedeng kinwento nila sa manager at siguro naglagay na sila ng threshold na hanggang doon nalang hangga't maaari para na rin hindi sila mahirapan at para mapagbigyan yung iba pa nilang mga customer din. Sa cebuana din ako dati pero nung hindi pa 2% bali ang fee nun ay 500 = 50k withdrawal masyadong malaki pero sigurado ako na maraming nagustuhan yung serbisyo ng cebuana kasi pati ako nagustuhan ko kahit on the spot ka magwithdraw doon at walang reserve reserve.

Pero ngayon yang Php 400,000 everyday is madali ng gawan ng paraan. Gumamit lang ng ibang payment method since marami naman instant. Yan ay kung nag-prompt na iyong napili nating remittance center na di nila ma-accomodate ang ganyang amount. Pero pag ginawa ko yan ulit baka tumawag na naman ang coins.ph. Kasawa na pumatol sa video interview nila lol.
Tama, merong bank transfer, merong gcash, at putol-putolin lang yung amount.