Post
Topic
Board Pamilihan
Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto
by
Experia
on 21/11/2019, 12:38:52 UTC


Dahil sa marami na ang mga natuto and nadala sa networking kaya ang mga pinapasok naman nila ngayon ay mga 'Hyip, actually yong mga scammers na yan hindi talaga natatakot lalo na dito sa Pilipinas dahil bago pa mahuli ang mga scammers aabutin pa ng siyam siyam, in short nakapag tago na sila ang nakalimutan and naka move on na ang mga nagsampa, kaya ganun na lang kalakas loob ng mga scammers.
sa totoo lang mas maganda pa nga yunh networking kasi may product na kapalit sa investment mo at makikilala ung company at may ari nito. Di gaya sa hyip wala kang idea webisite lang na ngangako na kikita ka ng ganitong halaga sa investment mo araw-araw. Dapat dito ihinto at wag na tangkilikin pa ng iba para wala na maloko.
Ang problema kasi marami naeenganyo sa hyip dahil malaki at mabilis ang roi na hindi mo kikitain sa mga legit na investment ng ganun kabilis. Kalimitan ng mga nasisilaw sa ganyan eh yung mga baguhan pa lang sa online. Naging biktima na rin ako ng ganyan nung baguhan pa lang ako, sa una nga kikita ka talaga pero few days lang wala na hindi kana maka withdraw hanggang sa mawala na lang yung website.

Sa mga hindi marunong sa kung paano gumagalaw ang hyip na investment at may taglay na kagreedyhan sa katawan talagang mabibiktima nyan, madami na din nag aya sakin nyan personally na pinag iinvest ako at kalaunan mababalitaan ko na lang na wala na yung company at nalugi din sila.