Palagay ko, mas delikado pa ata humawak ng stablecoin keysa mag lagay ng sarili nating pera sa bangko kasi pag nagloko yung kompanyang humahawak ng stablecoin, o i subject sila ng Government regulations, o ano pa mang kadahilanan, maliit lang yung tsansa na maprotektahan tayo kasi kulang yung mga batas na magsisilbing proteksyon natin - kahit pa mag declare sila ng bankruptcy, mahihirapan tayong habulin sila.
Yan ang mga kahinaan ng isang sentralisadong organisasyon, nasa ilalim tayo ng kontrol nila, o puede silang makontrol ng Gobyerno at gawin kahit anong gusto nila. Imho.
Exactly my point. Knowing na ung Tether pa, which is ung biggest stablecoin na meron tayo ngayon, e nagkaroon ng liquidity issues. So di talaga natin alam kung gaano ka honest/dishonest nung kompanya. Safer parin talaga ang pera sa banko.
Exactly, huwag natin icompromise and pera natin, kaya ako din, mas gusto ko na din na maging stable na lang to sa banko lalo na kung hindi naman yon for investment or holding, mahirap na. Pero kung maglalagay man ako ng pera sa crypto, mas gugustuhin ko na lang na bumili ng Ethereum dahil mas naniniwala naman ako dito kahit taas baba kahit papaano nasa diskarte ko na paano papalaguin.
Nakakatawa lang isipin, bakit pa tayo hahawak ng isang cryptocurrency na pegged sa fiat currency, puro psychological hype lang naman ang mga ginagawa nila. Hindi naman tutubo pera natin at nakakatakot pa, hindi naman ito recognize ng government kaya hindi pwedeng ipangbili ng mga pangangailangan sa araw - araw. Kung bibili ako ng crypto currency, same as quoted, mas ok na yung may possible increase in price para at least pwede pang kumita while holding these type of currency unlike sa mga stablecoins na pwedeng maging worthless anytime pero hindi tutubo kahit ihold pa ng lifetime.