Nabiktima ako dati ng hackers dahil sa email ko, dahil napalitan nito ang email ng aking Bitcointalk account dati
Napalitan ng xxxxxxx@yopmail ang aking email sa bitcointalk at pati ang password ko kaya naman hindi ko na ito nabawi pa. Inalala ko rin kung paano nangyari iyo at sa pagtingin ko sa aking post history ay naipost ko pala ang ang aking main email o ang ginagamit ko na email sa aking bitcoin talk account siguro ito at dahilan kung bakit nahack ang aking account. Kaya naman paalala ko ay wag mag post ng email ng iyong bitcointalk account kahit saan dahil maaring ito ang manging sanhi upang mawala ang ating mga account.
Nabiktima din ang aking pinsan, dahil wala siyang masyadong alam naka-click siya ng phishing link sa airdrop and bigla na lang nawala ang kanyang account, kaya simula noon, hindi na siya nagaairdrop, at maging ako din, hindi na din ako nasali sa mga airdrops, yong isa kong friend, hero member nawala yong account nya kaya tinamad na sa forum, dahil nasayang lang account nya.
Kung hindi ka talaga ganung maalam sa kung papaano mo poptotektahan ang iyong sarili sakaling ma-encounter mo ito, it's better na huwag mo na lang i-involved o i-risk ang sarili mo kapalit na posibilidad na malaking reward na walang kasiguraduhan kung magkakaron nga ba ng halaga para sa susunod na panahaon. I'm not against sa airdrop naman pero mostly kasi ng pinapagawa dito, napapasok na ang ating privacy ng di nalalaman kung masama ang intensyon ng nagpapa-airdrop.
So far hindi pa naman nahahack yong account ko, nagiingat kasi ako sa mga click bait, pati yong mga website na pinupuntahan ko, and walang nakakaalam ng iba kong email na gamit dito and hindi din ako naglologin kung saan saan kaya thankful na buhay pa account ko, mahirap pa man din bumalik sa zero ngayon hindi tulad dati na pwede.
mas mabuting mag lagay ng 2fa sa mga email nyo, buti nalang hindi yung bitcointalk account ang na hack, pero na hack yung steam account ko na maraming games, ang sanhi dahil na leak yung password sa email ko, buti nalang matulongin yung steam support at nabawi ko ang account ko, dahil noon nag lagay na ako ng 2fa sa mga account ko, mag iba iba din ng password sa mga account niyo baka mag ka easy access yung hacker sa lahat ng account niyo.
https://haveibeenpwned.com/ e check nyo tong website, sasabihin nito kung anong website ang na breach gamit ang inyong email.