Isa sa mga dahilan kung bakit bumagsak ang presyo nito para sa akin ay dahil sa biglaang pagbagsak din ng presyo ng bitcoin. Mapapansin natin kung oobserbahan natin ng mabuti na ang presyo ng Ethereum ay kadalasan sumasabay lamang sa presyo ng Bitcoin. Sa tuwing biglaang tumataas ang presyo ng bitcoin, biglaan ding tumataas ang presyo ng Ethereum. Sa nalalapit na bitcoin halving, sa tingin ko ay may malaking chance na tumaas din ang presyo ng Ethereum sa kadahilanang inaasahang tataas ng sobra ang presyo ng bitcoin pagkatapos ng halving.
Sana nga ay ganun ang mangyari sa presyo ng Ethereum kapag nag Bitcoin Bull run na upang tumaas muli ang presyo nito at makabawi ang lahat ng ating kababayan na nalugi dahil sa pagbagsak ng Ethereum.
Sa ngayon ang tanging magagawa oang natin ay nag hold pa ng maraming ethereum upang kapag tumaas na ang presyo nito ay hindi na tayo mangangamba.
Sa tingin ko nagkukulang na din talaga sa marketing ang Ethereum kaya ganun ang ngyayari, lalo na usap usapan na ang laki na naman ng fund na winithdraw ni Vitalik, kung saan milyon milyon na naman kaya medyo andami ang nadidisappoint na mga holder, imbes na gumawa siya ng way para ipromote siya pa lagi nangunguna sa pagcash out.
Posible. Alam naman nating napakahalaga ng isang marketing strategy sa kahit anong larangan. Parang umasa na lang ang ETH sa mga ICO sa platform nila para mangalap ng mga new investors. Dapat pa rin nilang ayusin at asikasuhin ang marketing ng kanilang proyekto dahil hindi naman papasok ang mga investors kung walang manghihikayat sa kanila.