Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kahalagahan ng Trading Psychology
by
crisanto01
on 17/01/2020, 05:17:24 UTC
In other words, wag emosyonal pag nagtitrade. Madalas pag nagtitrade ang iniisip yung posibleng panalo o talo, yung pera mismo. Kaya tuloy nawawala sa focus. Nawawala bigla yung mga numbers na dapat syang guide sa mga decisions. Halimbawa, imbis na ang target ay 1,000 sats lang o kaya 10% increase lang, pag nangyari na yung pump biglang erase muna yung mga numbers na yun kasi baka may mas itataas pa. Ayun nadale sa pagiging greedy.
Isa ito sa mga nagiging kadalasang dahilan ng pagkatalo dahil sa mga malay na tumatakbo sa ating isipin or mga what ifs.  Lalo na pag nakikita nating nag pupump ang isang crypto,  kahit mataas na ay hindi nagagrab kung minsan dahil sa pagbabakasakaling umangat pa hanggang sa bumagsak na lang ulit ito na nagiging dahilan ng pagkatalo. Maganda talaga siguro maging focus everytime na magtetrade tayo. 

Yung mga what ifs na yan dala pa rin yan ng emosyon eh. Kapag may analysis, stick to it na lang at wag ng umalis dun. Hindi lang naman sa pump nagkandaleche leche ang desisyon natin dahil sa pagiging emosyonal. Minsan pag bumagsak na ang presyo at yun ay buying time na ayon sa analysis tapos takot tayo na baka bumagsak pa lalo kaya ayaw bumili, ayun next day may mahabang green na. Ang ending tuloy ng karamihan sa atin buy high sell low.

Kaya dapat aware and maging handa tayo sa lahat ng mga different strategies lalo na sa trading, marami kasing mga TA na applicable sa coins/tokens na to, and meron namang iba sa ganito naman applicable, nakadepende kasi yon, walang perfect pero kung confident ka sa ginagawa mo go lang ng go, magiging kabidado mo din ang market.