Wala pong himala. Ang himala ay nasa puso ng mga tao. Sabi yan ni Nora. Hehe. Pero seryoso, wag nang umasa sa himala. Bakit ba matigas ang ulo natin at sasabihing magdasal na lang at umasang ilayo sila sa kapahamakan ng panginoon? Ano ba namang pag-iisip yan. Wag lang umasa sa dasal. Kapag sumabog ang bulkan, sasabog yan. Natural reasons ang nandyan. At kahit anong dasal pa kung hindi ka umalis dyan sa danger zone ay mapapahamak at mapapahamak ka talaga. Hindi maidadaan sa dasal yan kasi active volcano yan. Ang dapat gawin, lumikas papalayo sa bulkan at sa area ng danger. Yun ang makakapagligtas sa mga taong nandyan, hindi ang himala.
Sabi naman po niya, maging ready pero as much as possible ipagpray na lang na huwag pumutok or as much as possible, sumabog man sana, less lang ang mga masasalanta at huwag ng umabot sa ibang mga bayan. Nakakaawa kasi wala na nga kabuhayan posible pang mawala pati mga pinundar nila, pero okay lang yan, andito naman tayo to help them.