Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Price Prediction, is it helpful or falsehope for us?
by
Savemore
on 27/01/2020, 14:32:03 UTC
Nakakatulong nga ba sa ating mga pilipino ang mga price prediction ng mga batikan at sabihin na nating magaling na mga investors sa bitcoin o isa lang itong falsehope o sa tagalog ay paasa?
Yung mga price predictions kahit na galing pa sa "expert" hindi natin pwede sabihin na reliable o may assurance na mangyayari. Pwede sya maging guide para sa next price pero hindi pwedeng dun ka lang mag rely, mas maganda na marunong ka din bumasa ng charts at magkaron ng sariling understanding sa pag analyze ng market.

Kahit yung past history hindi natin sigurado kung mangyayari ulit gaya na lang ng impact ng halving sa price ng bitcoin, assuming tayo na may positive impact ito pero hindi parin guaranteed yun. Depende satin kung pano ba natin i handle ang mga predictions, pwedeng maniwala pero wag 100% kasi tayo rin ang madisappoint sa huli.
Porket ba may influential person na nag post tungkol sa prediction niya about bitcoin ay basta basta na lang tayo maniniwala? Nanghuhula lang din naman sila, hinde naman sils galing sa hinaharap kung saan nakita na nila yung price ng bitcoin. Yung ibang prediction kasi talaga na sobrang unrealistic pero kahit halata na ding hinde ito kapanipaniwala ay nakakalungkot pa din na isipin na marami pa din ang nag rerely sa predictions ng mga trader kuno.