Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Off-Topics] Pilipinas
by
Edraket31
on 28/01/2020, 09:03:45 UTC
Tama yan. Sabi nga e wala namang kasiguraduhan ang buhay natin. Hindi tayo sigurado na andito pa tayo bukas o kahit mamayang hapon. Ang mahalaga tinatamasa natin ang bawat ngayon.
Sabi nga nila we only live once kaya i treasure ang bawat sandali at i enjoy lang ang buhay.

Naisip ko tuloy kung gano kagusto ng iba na mabuhay (tulad ng may mga sakit) yung iba naman nag suicide lang dahil sa bigat ng problema o depression gaya ng mga kpop artists sa korea. Nakakapanghinayang kasi hindi na mababalik ang buhay ng tao pag wala na.

Isa sa mga ipinakita ni Kobe at ipinangaral din nya nung buhay pa sya ay yung pagpupursigi sa mga bagay na mahal mo o gusto mo. Iisa lang ang buhay natin kaya hindi lang sapat na i-enjoy natin ito, itodo na natin, isagad na natin. Kumbaga don't settle for less kapag alam mo namang may igagaling ka pa. Grabe yung dedikasyon na ipinakita ni Kobe sa sports na basketball. Yung training makikita mong parang laging hindi sapat ang kaya nyang gawin. Sana matularan natin yung ganun.

Nakakalungkot talaga kasi parang kung kelan siya nagretire at idedicate yong buhay niya as full time father tsaka naman ngyari yong accident, marerealize mo na lang talaga na 'life is short' kaya talagang hindi mo masabi ang kapalaran, kaya naalala ko ang aking maganak agad, na dapat hindi ako nagaaksaya ng panahon para sila ay laging makamusta.