Satingin ko, and mga proyekto sa cryptocurrency, exchanges, at mga plataporma ay hindi lamang ginawa para sa ika uunlad ng mga tao sa likod nito, kundi para tulungan at suportahan ang mundo kapag ito ay nangangailangan.
Isang malaking kumpanya ang Binance at recognized sa buong mundo. Katulad lang din ng mga malalaking kumpanya sa buong mundo na nag-donate na sa kahit anong kalamidad ang ginawa ng Binance.
Ok ang ginawa na to ng Binance pero para sa akin di na dapat pa lagyan ng iba pang special mentions kasi usual naman sa malalaking company, mapa-crypto man o hindi, ang nagdodonate sa mga kalamidad.
.. gamit ang cryptocurrency sa China ay magsilbing dahilan para maunawaan nila na ang cryptocurrency ay mahalaga, dahil meron itong kakayahang magpahaba ng buhay.
Di ko makuha ang konteksto nito. Sa panahon ng sakuna, di na para isipin pa ng mga tao doon ang nagagawa ng crypto. Sa China mas mabilis pa ang magtransfer ng cash kaysa mag send ng crypto. Isa sila sa may modern cashless society ngayon.
May dollar reserve ang Binance. Iyon ang idodonate at di crypto. Napa-special lang siguro sa iba kasi crypto company.