Sa totoo lang hindi ako nakabili ng mga material na pangsarili lang noon kasagsagan ng bull run nakabili man ako damit na hindi naman kamahalan, mas inuna ko kasi noon na I secure ang profit ko kaya naman nagtayo ako ng negosyo at inuna ko talaga na magkaroon ng bahay. Upang makita ko naman ang aking kinata noon. Which is hindi ko pinagsisihan dahil noong magkaroon ng market dump e ang negosyo ko na naipundar dahil sa crypto ang tumulong sa akin upang mabuhay at makakain parin ng 3 times a day..
Buti kapa kabayan at tama ang napili mong desisyon na magtayo ng negosyo, malamang hanggang ngayon may passive income ka parin. Ako kase mali yung naging desisyon ko, imbis na magtayo ng negosyo o kahit bumili manlang ng lupa di ko nagawa, lahat ng kinita ko nung last bullrun is napunta lahat sa luho, hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin yung naging desisyon ko.
Dipa huli ang lahat Kabayan marami pang opportunities dito sa crypto currency world ang magbibigay sa atin ng pagkakataon upang kumita muli. Kaya naman kung kikita ka muli dito sa crypto currency dapat ay pag isipan mo na muna ang desisyon na iyong gagawin at wag mong isipan ang kasalukuyan isipin mo ang iyong kinabukasan kung papaano ka kikita at magkakaroon ng magandang buhay sa pagtanda.